Wednesday, December 19, 2007

TADEO

alam mo namang
madali akong mainip.
ayoko pa namang
matagal na nag-aantay.
masaya lang ako
ngayong ika'y narito.

hindi mo ba nakita
ang pag-alab ng aking mga mata?
o narinig man lang
ang pagsabog ng aking dibdib?

marahil, nakalimot ka na.
marahil, hindi mo nadama
ang paghalik ko sa labi mo bago ko
itinarak ang patalim patungo
sa puso mo.

09.19.07
15:27

No comments: