Tuesday, December 4, 2007

ISANG BASONG KAPE

Hindi ikaw ang nasa isip ko
pero dahil sa iyo
ako'y hindi mahimbing.
Hinahanap kita madalas
lalo't nalulungkot ako.
Hindi ikaw ang buhay ko
pero kailangan kita.

Sa mga malalamig na gabi,
gusto ko ika'y nariyan.
Daram'hin ko bawat init
na dadaloy sa akin
mula sa'yo.

Hindi ko lang maintindihan,
bakit mapait ang tingin sa'yo
ng karamihan gayong dulot mo'y
ganap na kasarapan?

07.31.07
17:11 [UPB Lib]

No comments: