Iniwan ko namang bukas
ang tarangkahan ng gate.
Nalimutan ko lang
sindihan ang ilaw sa labas.
Nakakabingi ang katahimikan pero
pilit akong kinakausap
ng orasan.
Dinungaw ko pa ang bintana,
dumungaw pabalik ang kapitbahay
kong lasenggo.
Kinandado ko na pala
ang pinto baka kasi
ako manakawan.
Buong gabi ako sa'yong
nag-antay.
Nasa labas ka na pala.
Sana kumatok ka na lang.
09.08.07
22:34 [M.O.R.]
Saturday, November 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment